Sunday, August 18, 2019

Ano ang Pandiwa (Verb), Aspekto ng Pandiwa

ANO ANG PANDIWA?

Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. 

Halimbawa: lakad, kain, pagtuturo, nagsusulat, sumasayaw

1. Kumakain ng alimango ang aking ama. 
2. Si kuya Boy ay naglalaro ng piko.
3. Nagsisimba kami tuwing umaga ng linggo. 
4. Nahihirapang huminga ang bata dahil sa usok. 
5. Ang mga delegado ng ASEAN Summit ay darating ngayong araw. 






ASPEKTO NG PANDIWA

Nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.


PAWATAS

Ito ang mga pandiwang nabubuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng panlaping makadiwa at salitang-ugat. 
Halimbawa: magsaing, umalis, maglaba, maghugas, natuwa


ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO O PANGNAGDAAN (Past Tense)

Tumutukoy sa pandiwa na nangyari na o  tapos ng gawin ang kilos. Ito ay ang mga pandiwa o pawatas na may panlaping um.

Halimbawa: tumakbo, kumanta, lumangoy, lumambitin, humilik

1. Tumakbo ang bata papalapit sa kanyang ina kanina. 
2. Ang mga mangingisda ay lumangoy papunta sa bangka kahapon.
3. Kumanta ng malakas ang aming kapitbahay kaninang madaling araw. 
4. Lalong humanga ang mga guro kay Ana ng magkampyon siya sa paligsahan kahapon.
5. Hindi dumalo ang presidente sa patimpalak na ginanap noong nakaraang araw. 









Uri Ng Pangngalan Ayon Sa Gamit

URI NG PANGNGALAN AYON SA GAMIT

TAHAS
Ito ay ang mga pangngalang nararanasan ng mga padamdam. Maaari itong nakikita, naririnig, naamoy, nalalasahan o nahahawakan. 

Halimbawa: damit, radyo, bulaklak, tsokolate, libro


BASAL
Ito ay ang mga pangngalang hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. 

Halimbawa: hustisya, pangarap, pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan


LANSAK O LANSAKAN
Ito ay ang mga pangngalang tumutukoy sa bilang o grupo.

Halimbawa: madla, komite, organisasyon, sangkatauhan



Saturday, August 17, 2019

Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun Tagalog / Filipino)

KASARIAN NG PANGNGALAN (GENDER OF NOUN)

PANLALAKI
Ito ay ang mga pangngalang ginagamit o tumutukoy lamang sa kasarian ng babae. 
Halimbawa: lolo, tatay, tiyohin, prinsipe, padre

PAMBABAE
Ito ay ang mga pangngalang ginagamit o tumutukoy lamang sa kasarian ng babae. 
Halimbawa: lola, kumare, reyna, asyendera, tita

DI-TIYAK
Ito ay ang  mga pangngalan na hindi tumutukoy sa tiyak na kasarian o maaaring gamitin bilang pambabae o panlalaki.
Halimbawa: bata, estudyante, kamag-anak, guro, magulang

WALANG KASARIAN
Ito ay ang mga pangngalan na walang kasarian. 
Halimbawa: bulaklak, pagkain, pista, kompyuter, bansa


Halimbawa



PANLALAKIPAMBABAEDI-TIYAKWALANG KASARIAN
lolololaapoprobinsya
tiyohintiyahinpamangkinpasalubong
titotitakamag-anakpista
tataynanaybatabahay
papamamamagulangtahanan
kuyaatekapatidlamesa
harireynatagapaglingkodbansa
prinsipeprinsesakaibiganpalasyo
herederoherederatagapagmanaasyenda
padremadremananampalatayasimbahan
tinderotinderamamimilitindahan
filipinofilipinamamamayankultura
propesorpropesoraestudyantepaaralan
inahintandangsisiwitlog
ninongninanginaanakregalo

Thursday, August 15, 2019

Pangngalan ( Noun ) Ano ang Pangngalan?

Ang Pangngalan ay ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari. 


Halimbawa:

1. Ang mga bata sa paaralan ay nagtatakbuhan ng makita nila ang paparating na presidente.  

2. Napasukan ng tubig ang bahay nila Ana dahil sa tindi ng ulan.

3. Nahihirapan ang mga estudyante sa pagpasok sa paaralan dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyong Oplong



pangngalan halimbawa


Wednesday, August 14, 2019

Dalawang Uri Ng Pangngalan (2 Kinds of Noun)


DALAWANG URI NG PANGALAN

Pangngalang Pantangi 
Ito ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari at karaniwan itong nagsisimula sa malaking titik. 

Pangngalang Pambalana
Ito ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari. 


Halimbawa: 

PANTANGIPAMBALANA
mansanasprutas
narrakahoy
waling-walingbulaklak
Cebuprobinsya
Mitsubishisasakyan
Ginang Amanda Floresguro
Unibersidad ng Pilipinaspaaralan
Bibliyalibro
Bagong Taonokasyon
Coco Martinartista

Ano ang Pangngalan? Dalawang Uri Ng Pangngalan, Uri Ng Pangngalan Ayon Sa Gamit

i. ANO ANG PANGNGALAN?

Ang Pangngalan ay ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari. 


Halimbawa:

1. Ang mga bata sa paaralan ay nagtatakbuhan ng makita nila ang paparating na presidente.  

2. Napasukan ng tubig ang bahay nila Ana dahil sa tindi ng ulan.

3. Nahihirapan ang mga mga estudyante sa pagpasok sa paaralan dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyong Oplong



ii. DALAWANG URI NG PANGNGALAN

Pangngalang Pantangi 
Ito ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari at karaniwan itong nagsisimula sa malaking titik. 

Pangngalang Pambalana
Ito ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari. 


Halimbawa: 



PANTANGIPAMBALANA
mansanasprutas
narrakahoy
waling-walingbulaklak
Cebuprobinsya
Mitsubishisasakyan
Ginang Amanda Floresguro
Unibersidad ng Pilipinaspaaralan
Bibliyalibro
Bagong Taonokasyon
Coco Martinartista



iii. KASARIAN NG PANGNGALAN (GENDER OF NOUN)

PANLALAKI
Ito ay ang mga pangngalang ginagamit o tumutukoy lamang sa kasarian ng babae. 
Halimbawa: lolo, tatay, tiyohin, prinsipe, padre

PAMBABAE
Ito ay ang mga pangngalang ginagamit o tumutukoy lamang sa kasarian ng babae. 
Halimbawa: lola, kumare, reyna, asyendera, tita

DI-TIYAK
Ito ay ang  mga pangngalan na hindi tumutukoy sa tiyak na kasarian o maaaring gamitin bilang pambabae o panlalaki.
Halimbawa: bata, estudyante, kamag-anak, guro, magulang

WALANG KASARIAN
Ito ay ang mga pangngalan na walang kasarian. 
Halimbawa: bulaklak, pagkain, pesta, kompyuter, bansa


Halimbawa


PANLALAKIPAMBABAEDI-TIYAKWALANG KASARIAN
lolololaapoprobinsya
tiyohintiyahinpamangkinpasalubong
titotitakamag-anakpesta
tataynanaybatabahay
papamamamagulangtahanan
kuyaatekapatidlamesa
harireynatagapaglingkodbansa
prinsipeprinsesakaibiganpalasyo
herederoherederatagapagmanaasyenda
padremadremananampalatayasimbahan
tinderotinderamamimilitindahan
filipinofilipinamamamayankultura
propesorpropesoraestudyantepaaralan
inahintandangsisiwitlog
ninongninanginaanakregalo


iv. URI NG PANGNGALAN AYON SA GAMIT

TAHAS
Ito ay ang mga pangngalang nararanasan ng mga padamdam. Maaari itong nakikita, naririnig, naamoy, nalalasahan o nahahawakan. 

Halimbawa: damit, radyo, bulaklak, tsokolate, libro


BASAL
Ito ay ang mga pangngalang hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. 

Halimbawa: hustisya, pangarap, pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan


LANSAK O LANSAKAN
Ito ay ang mga pangngalang tumutukoy sa bilang o grupo.

Halimbawa: madla, komite, organisasyon, sangkatauhan













Ano ang Pandiwa (Verb), Aspekto ng Pandiwa

ANO ANG PANDIWA? Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.  Halimbawa : lakad, kain, pagtuturo, nagsusulat, sumasayaw...