Sunday, August 18, 2019

Ano ang Pandiwa (Verb), Aspekto ng Pandiwa

ANO ANG PANDIWA?

Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. 

Halimbawa: lakad, kain, pagtuturo, nagsusulat, sumasayaw

1. Kumakain ng alimango ang aking ama. 
2. Si kuya Boy ay naglalaro ng piko.
3. Nagsisimba kami tuwing umaga ng linggo. 
4. Nahihirapang huminga ang bata dahil sa usok. 
5. Ang mga delegado ng ASEAN Summit ay darating ngayong araw. 






ASPEKTO NG PANDIWA

Nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.


PAWATAS

Ito ang mga pandiwang nabubuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng panlaping makadiwa at salitang-ugat. 
Halimbawa: magsaing, umalis, maglaba, maghugas, natuwa


ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO O PANGNAGDAAN (Past Tense)

Tumutukoy sa pandiwa na nangyari na o  tapos ng gawin ang kilos. Ito ay ang mga pandiwa o pawatas na may panlaping um.

Halimbawa: tumakbo, kumanta, lumangoy, lumambitin, humilik

1. Tumakbo ang bata papalapit sa kanyang ina kanina. 
2. Ang mga mangingisda ay lumangoy papunta sa bangka kahapon.
3. Kumanta ng malakas ang aming kapitbahay kaninang madaling araw. 
4. Lalong humanga ang mga guro kay Ana ng magkampyon siya sa paligsahan kahapon.
5. Hindi dumalo ang presidente sa patimpalak na ginanap noong nakaraang araw. 









No comments:

Post a Comment

Ano ang Pandiwa (Verb), Aspekto ng Pandiwa

ANO ANG PANDIWA? Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.  Halimbawa : lakad, kain, pagtuturo, nagsusulat, sumasayaw...